Thursday, August 19, 2010

Love Quotes - Filipino

Kasi torpe ako. Ipapa-LBC ko nalang ang pagmamahal ko sa'yo!

Alam mo nang matagal na akong nahulog dahil sa'yo. Kaya't wag kang mag-alala. Andirito lang ako sa baba, naghihintay kung sakaling mahulog ka rin sa akin.

Para kang Mighty Bond. Unti-unting binubuo ulit ang nasirang buhay ko.

Airplane ka ba? Kasi dinadala mo ako sa langit.

Google ka ba? Kasi nakikita ko sa'yo lahat ng hanap ko.

Hindi ako headset, na pakikinggan mo lang kapag gusto mo ng musika.

Ang uban babae magpalaban ug Adobe Photoshop. Pero kung parehas sa imo ka-gwapa ang tanan babae, malugi jud ang adobe.

Bakit pa ako aakyat ng ligaw sa'yo? Eh matagal na akong paulit-ulit naman nahuhulog sa'yo.

Ang Wi-Fi di kailangan ng cable para makakuha ng signal. Sana Wi-Fi tayong dalawa. Para kahit walang cable na mag-kokonek sa atin, malakas pa rin ang signal mo sa puso ko.

Ang tipo kong babae, mabait pero medyo malandi.

Para kang bonsai. Hindi agaw-tingin kasi maliit, ngunit kaaya-ayang pagmasdan.

Di bale nang masira ang ulo ko sa kaka-isip sa'yo. Basta't mabubuo lang ang puso mo sa akin.

Nakakainis kapag tinatanong mo ako kung bakit kita mahal. Di mo kasi alam, walang salitang makakapag-bigay kahulugan sa pag-ibig kong ito...

Gusto ko sana umutang sa'yo. Collateral ko na ung puso ko. Di ko talaga babayaran. Para mapasaiyo na ito.

Malaki na nga pinag-bago ko. Di na ako tulad ng dati. Kasi ngayon mahal na kita.

Kaibigan lang ang turing ko sa'yo, kaibigan lang din ang turing mo sa akin. Pero ang matagal ko nang inaasam ay magka-IBIGAN tayong dalawa.

Isa ka talagang babaeng "minatamis". Kasi sweet and made in the Philippines!

Matulog man ako, pero ang puso ko mananatiling gising at tumitibok para sa'yo.

Sana di nalang kita natagpuan. Kasi di ko na maalis ang mukha mo sa aking mga mata.

Para kang lyrics sa videoke. Kasi kahit maraming sexy models sa background, ikaw pa rin ang tinitingnan ko.

Kung ikaw ang fastfood ka sa Jolibee, magda-drive thru ako. Para ma-take out na kita.

Para kang Ferrari. Elegante. Nakakainggit. First Class. At higit sa lahat, mabilis - Mabilis mong tinutunaw ako puso ko.

Ang taong masaya ay ang taong kontento. Kaya di ako nakokontento kasi di pa tayo.

Kahit offline ka ngayon, online ka pa rin sa puso ko.

Mabuti pa ang love songs, napapa-inlove ka. Mabuti pa ang love stories, napapakilig ka. Mabuti pa ang chocolates, napapasarap ka. Mabuti pa ang mga rosas, napapa-smile ka. Pero sana, makita mo na Mabuti rin ako sa'yo.

Outdated ka ba? Kasi parang hindi mo narinig ang bagong balita na mahal na kita.

Sa isang libo apat na raan at apat na kaibigan ko dito sa facebook, ikaw lang ang hinihintay kong mag-online.

Ang pulbura, kapag nilapit mo sa apoy, pumuputok. Ganyan ang nagyayari sa puso ko kapag nilalapitan mo ako.

Sana hindi lang ang message ko ang na-receive mo, na-receive mo rin sana ang pagmamahal ko.

Dictionary ka ba? Kasi binibigyan mo ng kahulugan ang buhay ko.

Kapag tinetext kita alam kong nag-vavibrate yung mobile mo, pero sana mapa-vibrate ko rin ang puso mo.

PS: The more the inspirations, the more quotes I can make... ^_^

3 comments:

  1. All these is an original from me. Being acknowledged is much appreciated if you quote my quotes.

    ReplyDelete
  2. kuyawa ui.. taasa sa imung gi buhat uiew.. nice lex.. ^^,

    ReplyDelete